P10.45 Billion na unliquidated subsidy sa mga power coop ipinahahanap sa NEA

By Den Macaranas August 20, 2019 - 04:01 PM

File photo

Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang National Electrification Administration (NEA) kaugnay sa subsidy na ibinigay sa 102 electric cooperatives na nagkakahalaga ng P10.45 Billion.

Base sa record ng COA, mula taong 2012 hanggang 2014 naibahagi ang nasabing subsidy sa mga electric cooperatives.

Bago ito ay kinuha na rin ng COA ang atensyon ng NEA sa mga nauna pang mga subsidies na kanilang inilabas sa mga nakalipas na taon.

Dahil ditto ay mas nadoble pa ang unliquidated cash na ipinasasagot ng nasabing ahensya sa NEA.

Ipinaliwanag rin ng COA sa kanilang imbestigasyon na naging mabilis ang paglalabas ng nasabing halaga at magaan requirements na ipinataw sa mga power cooperatives na nag-ooperate sa mga lalawigan.

Sa kaparehas na COA Special Audit report ay napag-alaman na ang NEA sa kabuuan ay may unliquidated subsidy na P403 Million hanggang noong nakalipas na buwan ng Marso.

Inuutusan rin ng COA ang mga electric cooperatives na i-liquidate ang mga naibigay sa kanilang.

Bubusisiin rin ng COA ang iba pang pakinabang ng electric cooperatives sa pondo ng NEA kabilang na ditto ang ang ilang rewards, incentives, benefits, at allowances.

TAGS: BUsiness, COA, electric cooperative, subsidy, BUsiness, COA, electric cooperative, subsidy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.