Gusot sa West Philippine Sea hindi pababayaan ng pangulo ayon kay Panelo

By Den Macaranas August 19, 2019 - 05:39 PM

Nilinaw ng Malacanang na hindi pinababayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gusot sa agawan ng isla sa West Philippine Sea.

Bilang patunay ay sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malaki ang posibilidad na ang nasabing isyu ang ibubungad ng pangulo sa kanyang pakikipag-pulong kay Chinese President Xi Jinping.

Malinaw umano sa pangulo kung ano ang dapat gawin ng chief executive lalo na sa nabistong pagpasok sa bansa ng ilang Chinese war ships sa nakalipas na mga araw.

Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi nagpaalam ang ilang war ships ng China nang dumaan ang mga ito Sibutu Strait malapit sa lalawigan ng Tawi-Tawi nang makailang beses.

Inaasahan ring tatalakayin sa nasabing pulong ang usapin ng pagdami ng Philippine offshore gaming operations (POGO).

Kabilang rin dito ang usapin na posibleng bahagi ng pang-eespiya ng China ang pagpasok ng mga Chinese POGO workers sa bansa.

TAGS: duterte, panelo, sibutu strait, west philippine sea. xi jinping, duterte, panelo, sibutu strait, west philippine sea. xi jinping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.