Duterte tumakas sa PSG habang sakay ng motorsiklo sa Davao City

By Chona Yu August 19, 2019 - 04:43 PM

Malacanang file photo

Matapos hindi makita sa harap ng publiko ng isang linggo, Pangulong Rodrigo Duterte tumakas sa Presidential Security Group at nag-motor sa labas ng subvision sa Davao City.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, ang pagmo-motor ni Pangulong Duterte noong isang gabi ay patunay lamang na nasa maayos na kalagayan ang kanyang kalusugan.

Wala aniyang dapat na ipag-aalala ang publiko dahil malakas ang pangulo.

Paliwanag pa ni Panelo, kung hindi man nakita si Pangulong Duterte sa mata ng publiko ito ay dahil sa naging abala ang punong ehekutibo sa pagtatrabaho sa mga papales.

Masusi aniyang binabasa muna ng pangulo ang mga dokumento bago pirmahan bukod pa sa ilang courtesy calls at private meetings.

Ayon kay Panelo, noong una, sa loob lamang ng subdivision nag-ikot ikot ang pangulo sakay ng kanyang motorsiklo.

Gayunman, ginanahan aniya ang pangulo kung kaya nagpasyang lumabas ng subdivision.

Nataranta at agad aniyang nagtakbuhan ang mga miyembro ng PSG para habulin ang pangulo.

Agad din naman aniyang nakita ng psg ang pangulo pero marami na sa kanyang mga kapitbahay ang nagpapakuha ng litrato kasama ang pangulo.

Pabiro pang sinabi ni Panelo na mistulang hindi nakuha ng mga taga media ang pamamasyal ni Pangulong Duterte.

Huling nagkaroon ng public engagement si Pangulo Duterte noong August 9 sa Police Service Anniversary sa Camp Crame.

TAGS: panelo, Presidential Security Group, PSG, panelo, Presidential Security Group, PSG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.