Atty. Harry Roque hinamong sampahan ng kaso ang “Philhealth mafia”
Pinayuhan ng Malacanang si dating Presidential Spokesman Harry Roque na maghain ng kaso sa korte laban sa mga miyembro ng mafia na nagmamanipula sa pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).
Pahayag ito ng palasyo matapos sabihin ni Roque na ang grupo nina dating Philhealth acting president Roy Ferrer at buong board ang mafia sa loob ng ahensya.
Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, malaya si Roque na gawin ang mga hakbang na sa tingin niya ay tama.
Hahayaan din aniya ng Malacanang na gumulong ang batas at parusahan ang mga taong nasa likod ng mafia sa Philhealth.
Sinabi pa ni Panelo na matagal nang may ginagawang imbestigasyon ang Office of the President sa nagaganap na korupsyon sa philhealth.
Pinayuhan din ng palasyo si Roque na kausapin ang kongreso kung nais na nitong ipabuwag ang Philhealth at gumawa ng bagong opisina gaya nang isinasaad sa Universal Health Care Act.
“We don’t have to support anything we are always for the rule of law. Whatever anybody who wants to file any case against any official let the law takes its course. Palagi yan ang stand ng OP”, paglilinaw ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.