Malacanang: Duterte hands-off sa pagpapatigil sa POGO operations

By Chona Yu August 19, 2019 - 03:29 PM

Hindi kokontrahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chief Andrea Domingo na itigil na muna ang pagtanggap ng aplikasyon para sa Philippine Offshore Gaming Operation (POGO)hub sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nirerespeto ni Duterte ang pagpapasya at desisyon ng mga kanyang mga department heads.

Sinabi pa ni Panelo na mananatili ang kautusan ni Domingo hangga’t hindi ito binabaliktad ni Pangulong Duterte.

Wala aniya sa karakter ng pangulo na pakialaman ang trabaho ng kanyang mga tauhan.

Una rito, sinabi ni Domingo na tigil na muna ang pag- tanggap ng bagong license application ng mga POGO hubs kung saan karamihan ay mga Chinese workers hangga’t hindi nareresolba ang ilang mga isyu.

Nagpahayag na ng pagkabahala si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa paglipana ng POGO hubs malapit sa mga kampo ng militar sa pangmbang pang-iispiya na ang ginagawa ng China.

TAGS: andrea domingo, lorenzana, POGO hubs, spyig activities, andrea domingo, lorenzana, POGO hubs, spyig activities

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.