DA naalarma sa pagtaas ng mortality rate ng mga alagaing baboy sa bansa

By Den Macaranas August 19, 2019 - 03:03 PM

Inquirer file photo

Binalaan ang Department of Agriculture (DA) ang mga hog raisers sa bansa na huwag magsamantala sa presyo ng karne ng baboy.

Kaugnay pa rin ito sa sunud-sunod na kaso ng pagkamatay ng mga alagaing baboy sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na nananatiling sapat ang suplay ng karne ng baboy sa mga pamilihan kaya walang dahilan para tumaas ang presyo nito.

Ipinaliwanag pa ng kalihim na activated na rin ang crisis management team ng DA para alamin ang dahilan ng pagkamatay ng mga baboy sa bansa.

Sa kanilang panig ay tiniyak naman ni Rosendo So, chairman  Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na makikipagtulungan sila sa pamahalaan para matiyak na mananatiling stable ang presyo ng karneng baboy sa merkado.

Nauna dito ay kinumpirma ng Bureau of Animal Industry na tumaas sa 6-percent ang mortality rate ng mga alagaing baboy sa bansa kumpara sa karaniwang 2-percent lamang.

Lahat ng dahilan ng posibleng sakit ng mga ito ay inaalam na ng ahensya kabilang ang posibilidad na nakapasok na sa bansa ang African Swine Flu.

TAGS: ASF, BUsiness, Department of Agriculture, pork, sinag, william dar, ASF, BUsiness, Department of Agriculture, pork, sinag, william dar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.