Sa September 6, 2019 na gagawin ng Judicial and Bar Council o JBC ang public panel interview sa mga kandidato para sa dalawang mababakanteng posisyon sa Korte Suprema.
Ito ay matapos ang nakatakdang pagretiro nina Associate Justice Francis Jardeleza sa September 26, 2019 habang si Senior Associate Justice Antonio Carpio ay magreretiro na sa October 26, 2019.
Sasalang sa interview ang mga kandidato sa dalawang posisyon mula sa 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sina:
– Carlos Espero
– Samuel Gaerlan
– Oscar Herrera
Habang 2:00 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon sina:
– Edgardo Lloren
– Edwin Sorongon
– Manuel Antonio Teehankee
Sa September 9, 2019, isasalang sa interview mula sa 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sina:
– Lanee Cui-David
– Jeremy Benigno Gatdula
– Jose Midas Marquez
– Cesar Villanueva
Habang 2:00 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon ay maisasalang sina:
– Oscar Badelles
– Apolinario Bruselas
– Edgardo Delos Santos
– Eduardo Peralta
Sa umaga ng September 10, ang haharap sa lupon ay sina:
– Manuela Barrios
– Jhosep Lopez
– Pablito Perez
– Elihu Ybañez
At sa hapon naman sina:
– Amparo Cabotaje-Tang
– Efren dela Cruz
– Alex Quiroz
At sa September 11, haharap sa pang-umagang panel interview sina:
– Ramon Bato
– Japar Dimaampao
– Mario Lopez
– Ricardo Rosario
Samantalang sa hapon ay sina:
– Ramon Cruz
– Ramon Garcia
– Maria Filonena Singh
Ang public panel interview ay gagawin sa Division Hearing room sa main building ng Supreme Court sa Padre Faura sa Maynila.