Puganteng Briton at American national, natimbog ng BI sa Pampanga at Marikina

By Ricky Brozas August 19, 2019 - 01:12 PM

INQUIRER FILE PHOTO/ ALEXIS CORPUZ

Nadakip ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Lubao, Pampanga ang isang pugantang British national at isang American pedophilia na wanted naman sa New York.

Kinilala ang mga naarestong suspek na si William James Neville Ireland 68-anyos na inaresto ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit ng BI.

Dumating sa bansa si Ireland noon pang 2013 bilang turista.

Ayon sa BI, si Ireland ay matagal nang pinaghahanap ng National Crime Agency ng United Kingdom dahil sa pagkakasangkot sa ilang sexual acts sa mga menor de edad sa Northern Ireland noong 1996.

Nahaharap ito sa pitong bilang ng indecent assault sa babae at two counts ng gross indecency kung saan ang biktima at bata.

Naaresto naman ang 45-anyos na si Shane Edward Scism sa Marikina City na wanted sa New York.

May kinakaharap na warrant of arrest si Scism mula sa State of New York noon pang July 30.

Nakatakdang ipa-deport ang dalawang banyaga dahil sa pagiging banta nito sa mga kababaihan at mga kabataan sa bansa. Kapwa undesirable aliens na rin ang mga ito.

Ilalagay na rin sa blacklist ng BI ang dalawa at hindi na papayagan pang makabalik pa ng Pilipinas.

Pansamantalang nakapiit ang mga ito sa detention facility ng Immigration sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

TAGS: BI, Lubao, Marikina, Pampanga, Shane Edward Scism, William James Neville Ireland 68-anyos, BI, Lubao, Marikina, Pampanga, Shane Edward Scism, William James Neville Ireland 68-anyos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.