Pagtatayo ng China ng mga POGO hubs malapit sa mga kampo ng militar, binalewala lang ni Pangulong Duterte
Hindi nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglipana ng mga mga Philippine offshore gaming operators (POGO) hub malapit sa mga kampo ng militar.
Ito ay kahit na nagpahayag ng pagkabahala si Defense secretary Delfin Lorenzana sa posibleng implikasyon nito sa pang seguridad ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, sinabi ng pangulo na dahil sa mga makabagong teknolohiya, maari pa rin namang makapag-ispiya ang China kahit na ilang milya ang layo mula sa mga kampo.
Ikinakatwiran aniya ng pangulo na hindi naman kailangan ng China na magtayo ng mga POGO hub malapit sa mga kampo kung nais talaga nitong man-ispiya.
Sinabi aniya ng pangulo na maari rin namang makapagsagawa ang Pilipinas ng security gathering sa gitna ng bantang pang seguridad sa mga POGO hubs sa bansa.
Hindi aniya matatawaran ang galing ng mga Filipino sa intelligence gathering lalot nakabili na rin ang Pilipinas ng mga instrumento.
Sinabi pa ni Panelo na natural na rin sa mga bansa ang mang-ispiya sa isat isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.