POGO bukas sa Europe at America ayon kay Pagcor chairperson Andrea Domingo

Dahil sa samu’t saring isyu na bumabalot sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na binubuhay ng Chinese nationals, nagpatupad ang Pagcor ng moratorium sa pagbibigay ng lisensya.

Ngunit ayon kay Pagcor Chairperson Andrea Domingo bukas naman sila para sa mga interesadong mamuhunan sa naturang industriya mula sa Amerika at Europa.

Aniya malaki ang potensyal ng industriya para sa mga taga-Europe at America.

Samantala, paliwanag ni Andrea bunsod ng mga isyu sa seguridad, paniningil ng buwis at trabaho sa mga Filipino, hindi na muna sila tatanggap ng aplikasyon para sa POGO na mga Chinese nationals ang kliyente.

Read more...