Rebelyon sa Mindanao nananatili ayon sa DoJ

By Ricky Brozas August 19, 2019 - 11:53 AM

Naniniwala ang Department of Justice (DoJ) na nagpapatuloy pa rin ang rebelyon sa Mindanao kaya nananatili pa rin ang bisa at implementasyon ng martial law sa nasabing rehiyon.

Gayunman ay ipinaliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kung sakaling ideklara ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng iba pang security officials na kontrolado na ang rebellion duon ay nangangahulugan na wala ng

dahilan para magpatuloy na nakailalim ito sa batas militar.

Inilabas ng DoJ ang reaksyon makaraang sinabi ni Senator Bong Go na ipinauubaya na niya sa local at national government ang pagdedesisyon kung dapat nang bawiin ang martial law.

Nakatakdang magtapos ang bisa ng martial law sa December 31 ng taong kasalukuyan matapos kinatigan ng korte suprema ang pagpapalawig nito ng tatlong ulit dahil sa paniwalang hindi pa natigil ang rebelyon at terorismo sa Mindanao.

TAGS: DOJ, Justice Secretary Menardo Guevarra., Martial Law, Rebelyon sa Mindanao, DOJ, Justice Secretary Menardo Guevarra., Martial Law, Rebelyon sa Mindanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.