Legislative agenda ni Pangulong Duterte tiyak na maisusulong sa Kamara
Kumpiyansa ang PDP-Laban na maisusulong ang legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng pagkakatalaga kay Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang pinuno ng kanilang partido sa Kamara.
Naniniwala naman si Velasco na ang hakbang ng liderato ng partido ay lalo pang magpapalakas sa samahan ng kanilang mga miyembro.
Binanggit ng kongresista na ngayong 18th Congress ay anim na PDP-Laban members ang nahalala bilang deputy speakers, tatlo ang deputy majority leaders, isa ang assistant majority leader, at isa ang assistant minority leader.
Nakuha rin ng partido ang 19 na chairmanships ng mahahalagang komite at 58 ang vice chairmanships. Gayundin ang pamumuno sa delegasyon ng Kamara sa Commission on Appointments at ng House of Representatives Electoral Tribunal.
Pinasalamatan ni Velasco si House Speaker Alan Peter Cayetano sa pagkilala sa papel ng PDP-Laban sa pagsusulong ng mga plano at programa ng administrasyong Duterte.
Si Velasco ang susunod na House Speaker base sa napagkasunduang term sharing sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.