Polio vaccination ng DOH ikinasa sa Quiapo, Maynila

By Jan Escosio August 19, 2019 - 11:23 AM

Nagsagawa ng oral vaccination kontra polio ang Department of Health (DOH) sa Quiapo sa pakikipagtulungan ng pamahalaang-lungsod ng Maynila.

Kasama ang kanilang mga magulang, daan-daan sanggol at mga bata na may edad hanggang lima ang binigyan ng oral anti-polio vaccine.

Ang aktibidad sa Del Paso covered court ay bahagi ng synchronized vaccination na may temang ” Olats ang Polio sa Maynila” na dinaluhan nina Manila Mayor Isko Moreno, Health Usec. Eric Domingo, DOH Dir. Eric Tayag at mga kinatawan ng UNICEF at World Health Organization o WHO at bahagi ng “Sabayang Patak kontra Polio” campaign.

Nagpaalala si Domingo ang pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran sa eskwelahan, bahay, komunidad maging sa pangangatawan.

Aminado ang opisyal na bagamat taon 2000 pa nang ideklarang polio free na ang Pilipinas, may mga lugar sa bansa na itinuturing pa rin na ‘high risk’ sa usapin ng naturang sakit.

Binanggit din ni Domingo na ngayon target nila na mabigyan ng anti polio vaccine ang 196,000 sanggol at batang hanggang limang taong gulang.

TAGS: " Olats ang Polio sa Maynila", "Sabayang Patak kontra Polio" campaign, doh, DOH Dir. Eric Tayag, Health, Health Usec. Eric Domingo, kinatawan ng UNICEF at World Health Organization, Manila Mayor Isko Moreno, Maynila, Polio vaccination, quiapo, " Olats ang Polio sa Maynila", "Sabayang Patak kontra Polio" campaign, doh, DOH Dir. Eric Tayag, Health, Health Usec. Eric Domingo, kinatawan ng UNICEF at World Health Organization, Manila Mayor Isko Moreno, Maynila, Polio vaccination, quiapo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.