Mga Filipino crew kasama sa 17 dinukot ng armadong grupo sa Cameroon

By Jimmy Tamayo August 19, 2019 - 10:46 AM

Ilang Filipino crew mula sa dalawang barko ang kasama sa mga dinukot ng armadong grupo sa Cameroon.

Nasa 17 tripulante ang tinangay ng hindi pa matukoy na grupo mula sa isang Greek owned ship at isang German owned ship noong Huwebes sa karagatan malapit sa syudad ng Douala.

Ayon sa ulat, nasa 9 na Filipino crew ang mula sa Greek owned bulk carrier habang nasa 8 tripulante na kinabibilangan 3 Russians, 4 na Filipino at isang Ukrainian ang mula sa German owned ship.

Una nang kinumpirma ng International Maritime Bureau sa Kuala Lumpur ang pag-atake sa 2 barko at pagdukot sa mga crew bagamat hindi tiniyak ng ahensya ang nationality ng mga biktima.

Kasabay nito, muling nagbabala ang IMB sa mga barkong dadaan sa Douala dahil sa insidente ng pag-atake ng mga rebelde.

TAGS: 17 dinukot ng armadong grupo, Cameroon, German owned ship, Greek owned ship, Mga Filipino crew, syudad ng Douala, 17 dinukot ng armadong grupo, Cameroon, German owned ship, Greek owned ship, Mga Filipino crew, syudad ng Douala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.