Isinusulong na pagbalik sa Anti-Subversion Law, tinutulan ng KMU

By Ricky Brozas August 19, 2019 - 10:24 AM

Tulad ng inaasahan, naghayag ng pagtutol ang Kilusang Mayo Uno sa pagpapanumbalik ng Anti-Subversion Law dahil sa pangambang magamit lamang laban sa mga kritiko ng gobyerno.

Ayon sa militanteng labor group, ang isang Anti-Subversion Law ay magbibigay ng legal na batayan sa ginagawa nang pagtugis ng gobyerno sa mga aktibista at kritiko nito.

Ayon kay Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng KMU, kahit ang mga lehitimong panawagan para sa sahod at trabaho ng mga unyon ng manggagawa, ay maaaring supilin basta’t matatakan lamang ang unyon o organisasyon na subersibo o may ugnayan sa Partido Komunista.

Nanindigan ang KMU na ang isang Anti-Subversion Law ay mapanupil, taliwas sa demokrasya at labag sa Konstitusyon.

Sa panukalang Anti-Subversion Law, itinuturing na ilegal ang pagsapi sa Partido Komunista at pati na rin ang mga “associates” o kaugnayang organisasyon at indibidwal nito.

TAGS: anti-subversion law, demokrasya, Elmer “Ka Bong” Labog, Kilusang Mayo Uno, anti-subversion law, demokrasya, Elmer “Ka Bong” Labog, Kilusang Mayo Uno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.