Mga inmates sa Manila City Jail, magtatapos ngayong araw
Umaabot sa 820 na inmates sa Manila City Jail ang aakyat sa stage upang abutin ang kanilang mga diploma.
Ayon kay Jail Senior Inspector Jayrex Bustinera, gaganapin ang graduation ceremonies ay gaganapin alas-8:30 ng umaga.
Ang mga preso o tinawag na Persons Deprived of Liberty o PDL, ay magtatapos ng Alternative Learning School o ALS at INFED Hilot Wellness & Tile Setting NC-II courses.
Ayon kay Bustinera, ang 2019 graduates ang pinakamalaking batch, mas mataas sa bilang ng mga nakapagtapos noong 2018 na mahigit 600 PDL graduates.
Ang pagtatapos ng mga PDL ay inaasahang dadaluhan ng ilang mataas na opisyal ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.