Bahagi ng NLEX isasara sa daloy ng traffic simula Lunes, Aug. 19 ng gabi

Isasara ang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) simula Lunes, August 19 ng gabi.

Sa abiso ng NLEX Traffic, alas 10:00 ng gabi ng Lunes hanggang alas 4:00 ng madaling araw ng August 20 ay isasara ang southbound lane ng NLEX mula sa Bocaue Toll Plaza hanggang sa Balintawak.

Ito ay para bigyang daan ang ‘installation’ ng ‘Girders’ sa nagpapatuloy na konstruksyon sa Ciudad de Victoria Interchange.

Ang ginagawang interchange ang magsisilbing gateway patungo sa Philippine Arena kung saan gaganapin ang opening ceremony ng 30th South East Asian (SEA) Games sa November 30, 2019.

Ang closure ng bahagi ng naturang kalsada ay magpapatuloy sa August 20, 21 at 22, 2019.

Magbubukas naman ng two-lane counterflow traffic scheme sa northbound lane ng NLEX para sa mga apektadong motorista.

Read more...