Babae patay sa pamamaril sa harap ng istasyon ng pulis sa Bacolod City

By Dona Dominguez-Cargullo August 19, 2019 - 07:54 AM

Patay ang isang babae makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Bacolod City.

Nangyari ang pamamaril sa harap mismo ng Bacolod City Police Office.

Nakilala ang biktima na si Crystal Faith Jastava, 24 anyos ng Bago City na bumisita sa kaniyang live-in partner na nakakulong sa pasilidad ng BJMP sa lugar dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.

Sa inisyal na imbestigasyon ay gumamit ang babae ng pekeng pangalan sa pagpasok niya sa BJMP Male Dormitory.

Dalawang magkaibang ID rin ang nakita sa babae.

Alas 11:00 ng umaga nang pumasok sa BJMP ang biktima at alas 3:00 ng hapon nang mangyari ang pananambang.

Posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang krimen.

TAGS: ambush incident, bacolod city, Illegal Drugs, Radyo Inquirer, ambush incident, bacolod city, Illegal Drugs, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.