Pitong miyembro ng isang pamilya patay sa mudslide sa Pakistan

By Dona Dominguez-Cargullo August 19, 2019 - 07:48 AM

Patay ang pitong miyembro ng isang pamilya sa mudslide na naganap sa Kashmir Pakistan.

Ayon sa mga otoridad sa lugar pumanaw ang mag-asawa at lima nilang anak makaraang matabunan ng mudslide ang kanilang bahay sa Ajeera Village.

Nangyari ang insidente malapit sa militarized Line of Control sa Rawla Kot district.

Maliban sa bahay ng pamilya ay dalawang bahay pa ang nadamay sa mudslide.

Ilang araw nang nakararanas ng malakas pag-ulan sa nasabing lugar.

TAGS: kashmir, mudslide, pakistan, kashmir, mudslide, pakistan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.