Pahinante patay matapos pagbabarilin at saksakin sa Maynila

Patay ang isang pahinante ng truck makaraang pagbabarilin at pagsasaksakin sa Parola Compound sa Tondo, Maynila.

Nakahinto lamang ang truck sa bahagi ng Parola Compound dahil may hinihintay ang driver nito nang mangyari ang insidente.

Dumating umano ang suspek at saka pinagsasaksak at binaril ang 28 anyos na biktima.

Patuloy namang pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek at inaalam ang motibo nito sa krimen.

Read more...