Mayor Isko Moreno nag-ikot sa ilang bahagi ng Maynila kagabi; istasyon ng pulis at ospital, binisita

By Dona Dominguez-Cargullo August 19, 2019 - 06:54 AM

Kabilang ang istasyon ng pulis at ospital sa binisita ni Manila Mayos Isko Moreno sa pag-iikot nito Linggo (Aug. 19) ng gabi.

Alas 10:00 ng gabi nang magsimulang mag-ikot ang alkalde.

Ininspeksyon ni Moreno ang Bacood Park sa Sta. Mesa sa Maynila na dating madilim at maraming nagaganap na snatching.

Natuwa ang alkalde nang makitang maliwanag na sa park at natabas na ang mga puno.

Mayroon ding mga pulis at mga tanod na nakatalaga sa parke.

Hindi kalayuan sa parke ay isang jeepney driver at truck driver ang ang nasita ni Moreno dahil sa paghambalang sa kalsada.

Nasita naman ni Mayor Isko ang mga pulis na nakatalaga sa Station 9 ng Manila Police District (MPD).

Ito ay dahil mayroong bangketa na di kalayuan sa himpilan ng pulisya na ginawang paradahan ng mga tricycle.

Ginawa ring tulugan ng mga palaboy na ang bangketa.

Sunod namang binisita ni Moreno ang Sta. Ana Hospital.

TAGS: manila, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer, manila, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.