Dalawang LPA binabantayan ng PAGASA; Habagat magpapaulan sa extreme northern Luzon

Dalawang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA.

Ang isang LPA ay nasa labas pa ng bansa at nasa layong 2,000 kilometers east ng Bicol.

Bagaman maliit ang tsansa na maging isang ganap na bagyo at pumasok sa bansa, ang trough ng nasabing LPA ay maaring magpaulan sa silangang bahagi ng bansa simula bukas.

Ang isa pang LPA ay nasa hilagang bahagi ng bansa.

Maliiit din ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA.

Samantala, ang Habagat pa rin ang nakaaapekto sa western sections ng Northern at Central Luzon.

Dahil sa Habagat, ang Batanes at Babuyan Group of Islands ay makararanas ng maulap na papawirin ngayong araw.

Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng bansa ay makararanas ng maaliwalas na panahon at magkakaroon lamang ng isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.

Read more...