Pulis namaril sa Bulacan, isa patay

By Rhommel Balasbas August 19, 2019 - 03:50 AM

Namaril sa selebrasyon ng kasal ang isang pulis sa Brgy. Citrus, San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon kay Staff Sgt. Michael Coronel ng SJDM Police, binulabog ng suspek na si Patrolman Jessie Gubat ang isang wedding reception malapit sa kanyang bahay.

Hinanap ng pulis ang kapatid ng babaeng ikinasal na si Cleevan Rosal na nakikisaya noon sa reception.

Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa at bumunot ng baril ang pulis kung saan tinamaan sa binti ang lalaking kinasal na nakilala sa alyas na ‘Reggie’.

Tumakas si Gubat ngunit sinundan ito ni Rosal sa kanyang bahay at dito na pinagbabaril ng pulis ang biktima.

Dead-on-the spot sa pamamaril ng pulis si Rosal.

Nagtamo rin umano ng tama ng baril ang suspek at inaalam pa kung paano niya ito nakuha dahil wala umanong armas si Rosal.

Patuloy na nagpapagaling sa ospital ang pulis at ang groom na una nitong nabaril.

Iniimbestigahan na ng pulis ang motibo sa krimen.

TAGS: Bulacan, shot dead, wedding reception, Bulacan, shot dead, wedding reception

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.