P340,000 halaga ng shabu nasabat sa umano’y ‘drug mule’ sa Cebu

By Rhommel Balasbas August 19, 2019 - 02:26 AM

Timbog ang isang 21-anyos na babae sa buy-bust operation na isinagawa ng Guadalupe Police Station ng Cebu City Police Office sa Brgy. Hipodromo, Cebu City araw ng Linggo.

Ayon kay Guadalupe Police chief Maj. Dino Alaras, nakilala ang suspek na si Julie Ann Villegas na nagsisilbi umanong ‘drug mule’ ng ilang malalaking drug personality sa Cebu.

Kabilang si Villegas sa mga high-value targets ng pulisya.

Kumukuha ang suspek ng shabu mula sa suppliers saka idedeliver sa mga drug runners.

Bagama’t nasa watch list ang suspek, nahihirapan umano ang pulisya na maaresto ito dahil nagpapalipat-lipat ito ng lugar.

Pero sa operasyon kahapon, positibong nabilhan ang suspek ng droga at nakuhaan ng 50 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P340,000.

Ayon pa kay Alaras, kaya ng suspek na makapagdeliver ng 150 gramo ng shabu kada linggo.

Sasampahan si Villegas ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at inaalam na rin ang drug connections nito.

TAGS: cebu city police, Drug mule, high value target, cebu city police, Drug mule, high value target

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.