Guest of honor sa programa si Rafael Harpaz, Ambassador of Extraordinary and Plenipotentiary ng Embassy of the State of Israel.
Si Quezon, presidente ng Republika ng Commonwealth ay ipinanganak sa Baler, Aurora.
Hinangaan si Quezon maging ng ibang mga bansa dahil sa kanyang pagkupkop sa 1,200 Jewish refugees sa kasagsagan ng European holocaust.
Bukod sa programa sa QCMC, may special block screening ng mga pelikulang Larawan at Quezon’s Game mamayang alas-11:00 ng umaga at alas-3:00 ng hapon sa Cinema 1 ng Trinoma Mall.
Ito ay hatid ng tanggapan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte at ng QC Tourism Department.
Free ang film showing kailangan lamang mag-pre-register ng mga residente ng lungsod dala ang kanilang QC LGU IDs.
Samantala, alinsunod sa Republic Act No. 6741, ang August 19 ay special non-working public holiday sa Quezon City at mga lalawigan ng Quezon at Aurora.