Sa isang press conference noong Sabado, sinabi ni Cardema na humingi ng pabor at pera si Guanzon para payagan ang akreditasyon ng Duterte Youth party-list.
Matapos ang payo ni Guanzon noong Sabado na kumuha si Cardema ng magaling na abugado para mapag-aralan ang kanyang kaso, binanatan ng Comelec commissioner ang congressman wannabee.
Ayon kay Guanzon, bakit naman siya mangingikil kay Cardema gayong mas mayaman pa siya rito.
Sinabi pa ni Guanzon na baka nga walang kahit P500,000 si Cardema sa kanyang bank account.
Magugunitang ibinasura ng Comelec first division ang nominasyon ni Cardema sa Duterte Youth party-list dahil lampas na ito sa age limit para irepresenta ang youth sector sa Kongreso.
why will I extort money from him or anyone? I don’t need it. I am richer than Cardema for sure. https://t.co/pdGcciXQYa
— Rowena V. Guanzon (@commrguanzon) August 18, 2019
Cardema said I demanded 2Million from him . I dont think he even has P500K in his bank account. Aber , show us, you overaged trying hard name dropper. https://t.co/BJ20o05gNP
— Rowena V. Guanzon (@commrguanzon) August 18, 2019