30% ng mga bansang kalahok sa 2020 Tokyo Olympics wala pang host towns

By Rhommel Balasbas August 19, 2019 - 12:32 AM

Nasa 1/3 o thirty percent pa ng kabuuang 207 bansa na lalahok sa 2020 Tokyo Olympics and Paralympics ay wala pang host towns.

Sa ilalim ng host town initiative ng Japanese government, ang mga local municipalities ng Japan ay makakasama ang mga atleta sa ilang mga aktibidad bago at matapos ang palaro.

Layon ng programa na mapalalim ang kaalaman ng mga banyaga tungkol sa Japan.

Ayon sa ulat ng Kyodo News, hanggang 416 bayan pa lang ang nairehistro para maging host towns ng 136 bansa.

Dahil dito, todo-kumbinsi na ang gobyerno sa iba pang bayan na pumayag maging host towns ng natitirang 71 bansa.

Ang pagpayag ng isang bayan na maging host town ay may kapalit na subsidiya mula sa central government.

Ang host town initiative ay sa Japan lamang nagaganap at nagsimula ito noon pang 1998 Nagano Winter Olympics.

Kailangan lamang ng isang municipal government na magparehistro sa central government para maging host town.

Makapamimili rin ang munisipalidad ng nais nilang bansa.

Sa ngayon, Taiwan ang may pinakamaraming host na umabot sa 20 munisipalidad.

Wala pang host towns ang maraming bansa sa Africa, Latin America at Middle East.

TAGS: host towns, Tokyo 2020 Olympics, host towns, Tokyo 2020 Olympics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.