Pahayag na paano kung espiya rin ang OFWs sa China, opinyon lang ni Zhao – Panelo

By Chona Yu August 18, 2019 - 06:18 PM

Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na opinyon lamang ni Chinese ambassador Zhao Jianhua ang pahayag na paano kung espiya rin ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nagtatrabaho sa China.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na nagpadala ng text message sa kanya si Zhao para sabihin kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na opinyon lamang niya ang kanyang naging pahayag na maaring maging espiya ang mga OFW.

Una rito, nangangamba si Lorenzana na maaring espiya ang mga Chinese worker na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na malapit sa mga kampo ng militar at pulis.

Ayon kay Panelo, maaring inihahayag lamang ni Lorenzana ang kanyang opinyon ukol sa mga Chinese worker.

TAGS: China, Chinese worker, Delfin Lorenzana, ofw, Pilipinas, Salvador Panelo, Zhao Jianhua, China, Chinese worker, Delfin Lorenzana, ofw, Pilipinas, Salvador Panelo, Zhao Jianhua

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.