Militar at isang armadong grupo, nagkasagupa sa Lanao del Norte

By Angellic Jordan August 18, 2019 - 04:20 PM

Nagkasagupa ang 5th Mechanized Battalion at 2nd Mechanized Infantry Brigade ng Philippine Army at isang armadong grupo sa Sapad, Lanao del Norte araw ng Sabado.

Nasa 20 miyembro ng armadong grupo ang nakaengkwentro ng militar sa bahagi ng Baranagy Karkum dakong 9:50 ng umaga.

Tumagal ng 35 minuto ang bakbakan sa pagitan ng militar at armadong grupo.

Ayon kay Lt. Col. Rolando Orengo, commander ng 5th Mechanized Battalion, walang nasugatan sa mga sundalo.

Hindi naman tiyak ang bilang ng mga nasugatan sa panig ng armadong grupo base sa mga nakitang dugo matapos ang bakbakan.

Hinikayat naman ni Brig. Gen. Ezra James Enriquez, commander ng 2nd Mechanized Infantry Brigade, ang mga nasugatan sa armadong grupo na sumuko na para mabigyan ng tulong-medikal.

Hinikayat din nito ang mga residente sa lugar na i-report sa mga otoridad sakaling magkaroon ng presensya ng mga armadong grupo sa kanilang komunidad.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang M14, isang M16, dalawang Garrand rifle, isang rifle grenade, ilang magazine at bala.

TAGS: 2nd Mechanized Infantry Brigade, 5th Mechanized Battalion, Lanao del Norte, Philippine Army, 2nd Mechanized Infantry Brigade, 5th Mechanized Battalion, Lanao del Norte, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.