LOOK: Bela Padilla, nagbakasyon sa Boracay

By Angellic Jordan August 18, 2019 - 03:15 PM

Photo grab from @bela/INSTAGRAM

Sa pagtatapos ng teleseryeng “Sino ang Maysala?: Mea Culpa,” nagkaroon ng panahon ang aktres na si Bela Padilla para magbakasyon.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post ng ilang larawan ang aktres sa kaniyang pagbabakasyon sa Boracay Island.

Nakasama ng aktres sa bakasyon ang isang kaibigan na si Rona Ofiana.

Maliban sa sun bathing, gumawa rin ng beach activity ang magkaibigan tulad ng parasailing.

Si Bela ang bibida sa Filipino adaptation ng Korean movie na “Miracle in Cell no. 7” na magiging bahagi ng Metro Manila Film Festival ngayong taon.

TAGS: Bela Padilla, boracay, Bela Padilla, boracay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.