Higit 20 gramo ng shabu, nakumpiska sa Bohol District Jail
Nakumpiska ang mahigit 20 gramo ng shabu sa ikinasang Oplan Greyhound sa Cabawan District sa Tagbiliran City, Linggo ng madaling-araw.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 7, isinagawa ang operasyon katuwang ang PDEA RO7 – Bohol Team, National Bureau of Investigation – Bohol, Tagbilaran Police City Station at Provincial Intelligence Branch ng Bohol Police Provincial Office (BPPO-PIB) sa Bohol District Jail bandang 5:00 ng madaling-araw.
Nakuha sa operasyon ang 28 pakete ng hinihinalang shabu.
May bigat ang kontrabando ng mahigit-kumulang 20 gramo at nagkakahalaga ng P39,600.
Nakuha ang mga pakete sa loob ng short pants ng bilanggo na si Oliver Ceruela Manubag.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.