DILG tiniyak na tutulungan, ang mga NPA na magbabalik loob sa pamahalaan

By Noel Talacay August 18, 2019 - 01:48 PM

Nanawagan ang Department of the Interion and Local Government (DILG) sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko at magbalik loob sa gobyerno.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ginagamit lang sila ng mga
lider ng CPP-NPA-NDF sa mga walang katuturan na adbokasiya upang pabagsakin ang gobyerno sa pamamagitan ng armadong pakikibaka.

Aniya, sa pagbabalik nila sa kanilang mga pamilya, nakatitiyak sila na hindi sila pababayaan ng pamahalaan.

Sabi ni Año na kinakailangan ang mga batas ng bansa para wakasan ang aktibong pag-rerecruit ng Komunista ng mga kasapi sa mga paaralan, pabrika, at sa mga magsasaka.

Matatandaan, sa isang pagdining sa senado, emosyonal na inilahad ni ‘Alem’ isang dating miyembro ng mga rebeldeng grupo ang kanyang masamang karansan sa kamay ng mga rebeldeng grupo at kalaunan ay pinabayaan din siya.

Inihayad din ni ‘Alem’ na wala siyang natanggap na kahit anong tulong mula sa mga inakala niyang “kasama” noong siya ay malapit nang magsilang ng kanyang anak.

Pahayag ni Año na ang kwento ni ‘Alem’ ay nagpapatunay lamang ng panlilinlang at kasinungalingan ng NPA.

TAGS: Department of the Interion and Local Government (DILG), hindi pababayaan ng gobyerno ang mga magbabalik loob na miyembro ng npa, New People’s Army, Department of the Interion and Local Government (DILG), hindi pababayaan ng gobyerno ang mga magbabalik loob na miyembro ng npa, New People’s Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.