Katy Perry, muling inireklamo ng sexual misconduct

By Noel Talacay August 18, 2019 - 01:34 PM

Muling nahaharap sa akusasyon ng sexual misconduct ang American singer-songwriter na si Katy Perry matapos ireklamo ng diumano’y ikalawang biktima nito.

Isang Russian TV presenter na si Tina Kandelaki ang bagong nagrereklamo kay Perry.

Ayon kay Kandelaki, nilapitan umano siya ng singer habang lasing at tinangkang halikan subalit naitulak niya kaagad ang 34 anyos na singer.

Ang bagong akusasyon kay Perry ay lumabas ilang araw lang ang nakalipas matapos ang naunang kaparehong reklamo ng kanyang co-star sa “Teenage Dream” music video na si John Kloss.

Base sa ulat, inutusan umano ni Katy Perry na ilabas ang ari nito sa harapan ng maraming tao.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang kampo ni Perry sa pinakabagong akusasyon laban sa kanya.

TAGS: inireklamo ng sexual misconduct si katy perry, Russian TV presenter Tina Kandelaki, inireklamo ng sexual misconduct si katy perry, Russian TV presenter Tina Kandelaki

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.