100 pamilya, nawalan ng tirahan sa sunog sa CDO

By Clarize Austria August 18, 2019 - 01:26 PM

Halos 100 pamilya ang naiwang walang tirahan matapos tupukin ng apoy ang kanilang mga bahay sa Barangay Puntod sa Cagayan de Oro, Sabado ng umaga.

Ayon kay Senior Fire Officer 3 Samson Velarde, tumagal ang naturang sunog ng dalawang oras at diumano’y nagsimula sa bahay ng mag-asawang Apolinario at Leoncia diaz.

Nagsasaing umano ang Leoncia habang gumagawa ng ibang gawain ngunit pagbalik nito ay lumiliyab na ang kusina bandang alas 8:50 ng umaga.

Mabilis kumalat ang apoy at naapula alas 11:14 ng umaga.

Nagtamo naman ng mga paso ang mag-asawang Diaz habang sugatan din sina Sherwin Tahuyan, 39 anyos, at Richard Capahigal, 26 anyos.

Dagdag ni Velarde, tiniyak niya na hindi makaaabot ang apoy sa malapit na gasolinahan sa pinangayarihan ng sunog.

Iminungkahi naman ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cebu sa mga nawalan ng sunog na ikonsidera ang pagsasampa ng kaso sa mga diaz dahil sa edad ng mag asawa.

 

TAGS: 100 pamilya ang naiwang walang tirahan dahil sa sunog sa cdo, Bureau of Fire Protection (BFP) Cebu, tumagal ang naturang sunog ng dalawang oras, 100 pamilya ang naiwang walang tirahan dahil sa sunog sa cdo, Bureau of Fire Protection (BFP) Cebu, tumagal ang naturang sunog ng dalawang oras

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.