Coping beam para ginagawang Skyway Stage 3, nahulog
Bumagsak ang coping beam para sa Skyway Stage 3 sa North Luzon Expressway (NLEX) matapos matanggal sa kinakapitang hook habang inilalagay sa pwesto.
Nagdulot ang naturang insidente ng mabigat na trapiko sa may Balintawak at Camichile.
Agad namang rumesponde ang NLEX traffic and safety team matapos malaman na bumagsak ang isang parte ng ginagawang daanan.
Pinayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta sa Segment 10 C3 Intersection, Mindanao exit, at Karuhatan exit.
Nakikipag-uganyan na rin ang NLEX sa pamunuan ng Skyway upang maibalik na sa ayos ang coping beam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.