Protesta ng Hong Kong laban sa China, umabot na sa London

By Clarize Austria August 18, 2019 - 01:06 PM

Umabot na hanggang sa London, United Kingdom ang protesta ng mga Hong Kong activists laban sa gobyerno ng China.

Nakilahok sa ginawang sabayang pagkilos ang mahigit sa isang libong katao na sumusuporta sa ipinaglalaban ng Hong Kong.

May dala-dalang mga placards ang mga raliyista na nagtatanong kung tutulong ba ang Britain sa pagpapanatili ng kalayaan ng Hong Kong at inilabas din ang dating British colonial Hong Kong flag.

Inorganisa ng StandwithHK at D4HK ang naturang pagkilos.

Nasa sampung linggo na simula nang magsimula ang mga kilos-protesta ng mga militanteng grupo bilang paglaban sa kanilang bansa.

TAGS: protesta ng mga Hong Kong activists, sampung linggong protesta sa hong kong, protesta ng mga Hong Kong activists, sampung linggong protesta sa hong kong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.