Arwind Santos at Terrence Jones, nagkabati na

Nagkabati na si Arwind Santos at Terrence Jones sa naganap na laban ng San Miguel Beermen at TNT Katropa Team araw ng Biyernes.

Naghayag ng public apology si Santos kay Jones makaraang sumayaw ng parang unggoy at manuya sa sa game 5 ng 2019 PBA Commissioners Cup.

Ayon kay Santos, masaya siya hindi lang dahil sa pagkapanalo ng San Miguel Beermen ngunit pati na rin sa peace of mind na kaniyang natamasa nang magkaayos sila ni Jones.

Natuto aniya siya sa pangyayari at hindi niya ito makalilimutan.

Nilapitan ni Santos si Jones bago magsimula ang game 6 kung saan nanalo naman ang Beermen sa score na 120-90.

Read more...