Camp Crame HQ, nagsagawa ng simulation bomb explosion

By Jan Escosio December 30, 2015 - 03:40 PM

12268950_927281334005092_1378116927_oBinulabog ng tatlong malalakas na pagsabog ang punong kampo ng Pambansang Pulisya, ang Kampo Krame sa Quezon City.

Ngunit nalaman ng Radyo Inquirer kay Police Chief Supt. Artie Sindac, Director ng Philippine National Police Logistics Support Service na ito ay bomb explosion simulation lamang, kaugnay sa paggunita ng ika-15 taon ng 2000 Rizal Day Bombings.

Ito rin aniya ay demo coverage sa mga uri ng paputok at kung anong pinsala ang maaaring gawin nito sa buhay at ari-arian.

Sinabi ni Sindac na mga tauhan niya sa kanilang Explosive and Ordinance Division ang nagsagawa ng demo na isinagawa sa transformation oval sa harapan ng PNP grandstand.

Kaugnay nito, sinabi ni Police Chief Insp. Bryan Gregorio, ng PNP Public Information office na may mga ginawa na ang PNP na mga hakbang para hindi na maulit ang naging serye ng pambobomba sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Aniya, labin limang taon na rin nilang ipinatutupad ang ginawa nilang 3-tier defense system versus terrorism.

Una na rito ang intelligence gathering o pangangalap ng mga impormasyon ukol sa terror attack; sumunod ang target hardening o mahigpit na pagbabantay sa mga vital installations gaya ng public tranport system terminals at iba pang mga pampublikong lugar.

Sinabi ni gregorio na ang panghuli ay ang incident management kung saan aniya pina-ibayo nila ang kanilang response operations kapag may nangyaring terror attack.

Magugunita na sa naganap na Rizal Day bombing, dalawampu’t dalawa ang namatay at mahigit sa isan daan naman ang nasugatan sa mga pagsabog sa LRT station sa Blumentritt; gasolinahan sa EDSA makati city; sa isang bus sa Cubao, Quezon City; Plaza Ferguson sa Maynila na malapit sa US Embassy at sa cargo handling area sa NAIA terminal 1.

Binanggit pa ni Gregorio na ang lahat ng mga suspek sa serye ng Pambobomba ay nalitis at nasentensiyahan naman na ng korte.

TAGS: PNP Crame, Rizal Day Bombing, PNP Crame, Rizal Day Bombing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.