Palasyo, labas sa gulo nina Comelec Commission Guanzon at dating NYC Chairman Ronald Cardema
Sinupalpal ng Palasyo Ng Malakanyang ang hiling ni Duterte Youth President Ronald Cardema na nagpapasaklolo kay Pangulong Rodrigo Duterte para silipin ang umano’y korupsyon na kinasasangkutan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, na walang pakialam ang palasyo sa ginagawa ni Cardema lalo na kung hindi naman concern ang palasyo.
Kung mayroon man aniyang korupsyon, dapat na magsampa ng kaso sa korte si Cardema laban kay Guanzon.
Kahit naging supporter pa aniya si Cardema ni Pangulong Duterte noong 2016 elections, hindi naging ugali ng palasyo na makisawsaw sa halip ay hinahayaan lamang ang sino man na gumawa ng mga hakbang na sa tingin nila ay tama.
Una rito, sinabi ni Cardema na nanghingi ng pabor si Guanzon para bigyang akreditasyon ang Duterte Youth Partylist Group.
Excerpt: Kung mayroon man aniyang korupsyon, dapat na magsampa ng kaso sa korte si Cardema laban kay Guanzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.