Palasyo, hindi makikielam sa panukala na mandatory autopsy ng bangkay ng EJK victims

By Chona Yu August 18, 2019 - 12:49 PM

Dumistansya ang Palasyo ng Malakanyang sa panukala ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan na gawin nang mandatory ang pagsasagawa ng autopsy sa mga napapatay sa police operation na nasa ilalim ng quistionable circumstances.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malaya si Pangilinan na gawin o maghain ng mga panukalang batas na sa tingin niya ay makabubuti sa bansa.

Nasa pagpapasya na rin aniya ng mga mambabatas kung susuportahan ang panukala ni Pangilinan.

Iniihain ni Pangilinan ang panukalang batas na gawing mandatory ang pag autopsy sa mga napapatay sa police operation kasabay ng anibersaryo ng kamatayan ni Kian delos Santos, ang batang sinadyang patayin ng mga pulis sa caloocan city.

Hindi aniya makikiaalam ang ehekutibo sa gawain ng sangay ng lehislatura.

TAGS: kian delos santos, mandatory autopsy sa mga namatay sa EJK at War on Drugs, Palasyo ng Malakanyang, kian delos santos, mandatory autopsy sa mga namatay sa EJK at War on Drugs, Palasyo ng Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.