Bagong LPA, binabantayan ng Pagasa sa East Visayas

By Chona Yu, Clarize Austria August 18, 2019 - 12:40 PM

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Gener Quitlong, weather forecaster ng Pagasa, nasa 2,195 kilometro silangang bahagi ng Visayas ang LPA.

Ayon kay Quitlong, maaring pumasok sa Philippine Area Of Responsibility (PAR) ang LPA sa Lunes ng gabi.

Gayunman, maliit ang tsansa na maging bagyo ang LPA.

Bagamat nasa labas pa ng PAR, magdadala ang trough o extension nito ng maulap na kalangitan na may isolated rainshowers sa ilang parte ng Mindanao.

Inaasahan din na magdadala ang Southwest Monsoon o hanging Habagat ng pag-ulan sa northern at central part ng Luzon.

Ang Batanes, Abuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, at Bataan ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan at pagkulog.

Magiging maulan din ang iba pang parte ng luzon dulo ng mga localized thunderstorms.

TAGS: Pagasa, Southwest Monsoon o hanging Habagat magdadala ng maulang panahon, Pagasa, Southwest Monsoon o hanging Habagat magdadala ng maulang panahon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.