Malakanyang: Chinese warship na dumadaan sa Sibutu Strait, irritant na rin

By Chona Yu August 18, 2019 - 12:26 PM

Naiirita na rin ang Palasyo ng Malakanyang sa paulit-ulit na ginagawa ng China na panay ang daan sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi ng Chinese Navy nang walang paalam sa pamahalaan ng Pilipinas.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sang-ayon ang palasyo sa pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na irritant na ang ginagawa ng china.

Ayon kay Panelo, nakapipika kung paulit-ulit na ang ginagawa ng China.
Hindi aniya gawain ng dalawang magkaibigan ang inaasal ngayon ng China.

Sinabi pa ni Panelo na maaring paglabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang ginagawa ng China.

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na maaring maghain ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.

“I agree with Secretary Lorenza, it’s becoming an irritant if you keep on repeating certain act that maybe viewed be in violation of UNCLOS and not an act of friendship between two countries.”

TAGS: Defense Secretary Delfin Lorenzana, naiirita sa paulit-ulit na ginagawa ng China na panay ang daan sa Sibutu Strait, Palasyo ng Malakanyang, United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), Defense Secretary Delfin Lorenzana, naiirita sa paulit-ulit na ginagawa ng China na panay ang daan sa Sibutu Strait, Palasyo ng Malakanyang, United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.