P500M na ginastos ng CAAP sa life insurance, kinwestyon ng COA

By Clarize Austria August 18, 2019 - 09:46 AM

Tinawag ng Commission on Audit (COA) ang pansin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa pagbili nito ng P500 milyon halaga ng life insurance para sa 10 matataas na opisyal.

Sa kabila ito ng hindi pagtanggap ng CAAP board at hindi pagdaan sa tamang selection process.

Batay sa ulat ng COA, bumili ang CAAP ng Zenith insurance plan sa United Coconut Planters Life Assurance Corp. (Cocolife).

Ang plan na ito ay isang investment-linked na produkto na sabayang nagbibigay ng insurance habang ini-invest ang pera sa mutual funds o unit investment funfs.

Iginiit ng CAAP na walang tumutol sa mga board member nang ipresenta ang planong pagbili sa mga insurance plans kung kaya’t itinuloy ito.

Depensa ng COA, walang inilabas na resolution ang board kaya ikinokonsidera itong walang approval ng mga miyembro.

Pinayuhan naman ng COA na bawiin ang kabuuang halaga na ibinayad sa Cocolife at mag-invest sa ibang ahensya ng gobyerno kung saan malaki ang balik.

Hinikayat din ng COA na bumuo ang CAAP ng isang investment committee na tututok sa mga ganitong uri ng usapin.

TAGS: caap bumili ng insurance sa halagang P500M, coa kinwestyon ang pagbili ng mahal na insurance plan ng caap, caap bumili ng insurance sa halagang P500M, coa kinwestyon ang pagbili ng mahal na insurance plan ng caap

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.