Ayon sa taga pagsalita ng CHR na si Atty. Jacqueline de Guia, layunin nila na na hikayatin ang gobyerno na imbestigahan ang lahat ng kaso kaugnay sa war on drugs.
Hinikayat din nila ang gobyerno na makipagtulungan sa CHR at maging sa mga pandaigdigang mekanismo para mapanagot ang mga nagkasala at matigil ang impunity sa bansa.
Panawagan din ni de Guia sa publiko na huwag manahimik sa gitna ng karahasan at lumaban sa anumang uri ng pang-aabuso.
Nais iparating ni de Guia sa administarsyong Duterte na bigyan ng hustisya ang lahat ng biktima ng extra judicial killings (EJK) sa bansa, lalong lalo na ang mga biktimang musmus na nakitil ang buhay at naputol ang mga pangarap dahil sa naturang kampanya.
Magugunita na si Kian delos Santos ay namatay sa edad na 17-anyos noong August 16, 2017 dahil nanlaban umano sa mga pulis habang nasa operasyon kontra droga sa Caloocan City.