CHR, ginunita ang pagkamatay ni Kian delos Santos
Inalala ng Commission on Humar Rights (CHR) ang pagkamatay ni Kian delos Santos, isa sa mga biktima ng kampanya laban sa illegal na droga ng administrasyong Duterte.
Ayon sa taga pagsalita ng CHR na si Atty. Jacqueline de Guia, layunin nila na na hikayatin ang gobyerno na imbestigahan ang lahat ng kaso kaugnay sa war on drugs.
Hinikayat din nila ang gobyerno na makipagtulungan sa CHR at maging sa mga pandaigdigang mekanismo para mapanagot ang mga nagkasala at matigil ang impunity sa bansa.
Panawagan din ni de Guia sa publiko na huwag manahimik sa gitna ng karahasan at lumaban sa anumang uri ng pang-aabuso.
Nais iparating ni de Guia sa administarsyong Duterte na bigyan ng hustisya ang lahat ng biktima ng extra judicial killings (EJK) sa bansa, lalong lalo na ang mga biktimang musmus na nakitil ang buhay at naputol ang mga pangarap dahil sa naturang kampanya.
Magugunita na si Kian delos Santos ay namatay sa edad na 17-anyos noong August 16, 2017 dahil nanlaban umano sa mga pulis habang nasa operasyon kontra droga sa Caloocan City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.