Road clearing operations ng gobyerno, walang halong pulitika—DILG Secretary Año

By Noel Talacay August 18, 2019 - 07:53 AM

Iginiit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na walang halong pulitika ang pagpapaluwag at paglilinis ng mga kalsada sa buong Metro Manila.

Ani Año, para sa lahat ng pamahalaang lokal ang kautusan kasama ang mga pampamahalaan o pribadong gusali.

Sinabi ito ng kalihimn matapos ang demolisyon ng isang barangay hall at police traffic station sa Quezon City.

Ayon kay Año, makatutulong ang pagbawi sa mga pampublikong kalsada sa pagpapabuti ng daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila at ilang bahagi ng bansa.

Dagdag pa niya, ginawa nag mga batas para mapabuti ang pamumuhay
ng mga tao, para sa bayan, at walang halong anuman pulitika.

Tiniyak naman niya sa publiko na ipagpapatuloy ang mga paglilinis hanggang sa mapagtagumpayan ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawi sa mga pampublikong lansangan, hindi lamang dito sa Metro Manila kundi maging sa buong bansa.

TAGS: demolisyon ng isang barangay hall at police traffic station sa Quezon City, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, road clearing operations walang pulitika, demolisyon ng isang barangay hall at police traffic station sa Quezon City, Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, road clearing operations walang pulitika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.