4 na commercial fishing vessel na illegal na nangisda, hinuli ng PCG sa Palawan
Hinarang ng mga awtoridad ang apat na commercial fishing vessels na diumano’y ilegal na nangingisda sa karagatan ng Araceli, Palawan noong August 11.
Ayon kay Rodel Condesa ng Bantay Dagat Araceli, nakatanggap sila ng tawag na may nangingisda umano sa kanilang nasasakupan.
Agad rumesponde ang pinagsanib pwersa ng Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), at Bantay Dagat ng Araceli.
Base sa ulat ng PCG, ang mga fishing vessle ay nangingisda sa layong 7.3 nautical miles mula sa baybayin ng Barangay Tinintinan.
Napagalaman na pagmamayari ng RBL Fishing Corporation ang apat na bangka na may lulan na 43 tauhan.
Nilabag ng RBL Fishing ang Municipal Ordinance No. 139 series of 2009 or “Fishing within Municipal Waters.”
Samantala, nagmulta ng P82,500.00 ang RBL Fishing dahil sa paglabag sa naturang ordinansa ng lugar
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.