Gusali ng Universal Robina Corporation sa Pasig, nasunog

By Alvin Barcelona, Jimmy Tamayo December 30, 2015 - 12:58 PM

robinaNasunog ang isang apat na palapag na gusali ng Universal Robina Corporation sa Kamagong Street, Barangay Bagong Ilog, Pasig City, Martes ng gabi.

Sa paunang imbestigasyon, nagmula ang sunog sa second floor at mabilis na kumalat sa ibang bahagi ng gusali.

Nag-umpisa ang sunog 12:12 ng hating gabi at bandang 9:06 ng umaga ay patuloy itong inaapula.

Nadamay din sa sunog ang isang malaking billboard na nasa labas ng building.

Samantala, isang sunog rin ang sumiklab sa isang bahay sa Urdaneta Village sa Makati City, Miyerkules ng umaga. Nagsimula ang sunog 7:18 ng umaga at bandang 7:47 ay inakyat ito sa second alarm bago tuluyang na-apula 9:32 ng umaga. Aabot ng isang milyong piso ang halaga ng naabo sa sunog at tanging ang ikalawang palapag ng bahay ang na-apektuhan. Dalawang tauhan ng Bureau of Fire Protection naman ang nasugatan sa insidente.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.