Lalaking nagpanggap na sundalo, arestado sa Maynila

By Noel Talacay August 18, 2019 - 07:36 AM

Nagulat si Barangay 714 Chariman Arnel Palo ng Malate, Maynila nang biglang pumasok sa kanilang barangay hall ang isang lalaki nagpakilalang sundalo.

Nakilala ang nagpanggap na miyembro ng Philippine Army na si Mac Stanley Lozada, 29 anyos na nasuot pa ng unipormeng pangmilitar ng pumasok sa naturang pasilidad.

Ayon kay Palo, pilit hinihingi ni Lozada ang listahan ng mga pangalan at tirahan na nasa drug watchlist ng naturang barangay.

Aniya, hihingi ng pera sa Lozada sa mga nasa listahan bilang bayad sa proteksyon mula sa mga awtoridad.

Nagduda si Palo kung kaya’t hiningan niya si Lozada ng Idetification Card (ID) ngunit natuklasan niya na peke.

Nang malamang nagpapanggap ang suspek ay agad humingi ng tulong ang barangay chairman sa Malate Police.

Napagalaman ng mga awtoridad na isang buwan nang nakatira si Lozada sa nabanggit na barangay kung saan nangungupahan ito ng isang kwarto kasama ang kanyang ka live-in partner.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 177 ng Revised Penal Code o Usurpation of Authority.

TAGS: Barangay 714 Malate Maynila, hihingi ng pera sa mga nasa drug watchlist, Nagpanggap na sundalo, Philippine Army, Barangay 714 Malate Maynila, hihingi ng pera sa mga nasa drug watchlist, Nagpanggap na sundalo, Philippine Army

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.