Kinilala ang wala ng buhay na lalaki na si Gunhyung Kim, 19 anyos.
Ayon sa mga empleyado ng hotel, nagtaka sila kung bakit hindi agad lum abas ang nasabing korean national gayung lagpas na ang check out time nito.
Pinuntahan ang kwarto ng isa sa mga empleyado ng hotel at pwersahang binuksan dahil hindi sumasagot ang dayuhan kahit na kinatok ng malakas.
Nang mabuksan ang kwarto, tumambad ang nakabulagtang katawan ng Korean national sa sahig na wala ng buhay.
Agad humingi ng tulong ang mga tauhan ng hotel sa Pasay City Police.
Nakuha ng mga pulis mula sa pinangyarihan ng insidente ang isang caliber 22 na baril.
Ayon sa pulisya, maaaring nagpatiwakal ang nasabing Koreano.
Dinala naman ang katawang ng dayuhan sa isang punenarya sa nasabing lungsod para sa safekeeping at autopsy.